Lider na si Laylo

TAGAYTAY City, Philippines --Su­mulong sa kanyang ikaapat na sunod na panalo si World Chess Cup vete­ran GM Darwin Laylo ma­tapos igupo si GM Cao Sang ng Vietnam para ha­­wakan ang solo lead sa 2011 Asain Zone 3.3 chess champion­ships dito sa Tagaytay International Convention Center.

Si Laylo, hangad ma­ka­laro sa World Cup sa ikatlong pagkakataon sapul noong 2007, ang humawak ng itim na piyesa laban sa higher-rated Vietna­mese player sa nasabing nine-round competition na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

May 4.0 points ngayon ang 31-anyos na tubong Lipa City kasunod sina Filipinos GM Mark Paragua, GM Eugene Torre at IM Richard Bitoon, top seed GM Zhang Zhong at Wei Ming Goh ng Singapore, GM Susanto Megaranto ng Indonesia at sina GM Nguyen Anh Dung at FM Nguyen Duc Hoa ng Vietnam.

Nakipag-draw naman si Paragua kay Anh Dung, binigo ni Torre si IM Taufik Halay ng Indonesia at iginupo ni Bitoon si Alcon John Datu.

Show comments