South Zone pakay ng Taguig vs Pasay

MANILA, Philippines - Makuha ang karapatan na maging kinatawan ng South Zone ang pakay ng Taguig sa pagharap sa Pasay sa pagtatapos nga­yon ng Inter-City ng 2nd Coca Cola Hoopla NCR Championship sa Duenas Gym sa Signal Taguig.

Ganap na alas-6 ng gabi itinakda ang sagupaan na ito at kailangan ng Taguig na manalo upang tuluyang makaabante sa Inter-Zonal dahil seselyuhan nila ang unang puwesto sa South Zone sa pagsungkit ng ika­pitong panalo sa siyam na laro.

Ngunit kung manalo ang Pasay, magkakaroon pa ng do-or-die rubbermatch para madetermina ang ka­­­katawan sa nasabing Zone.

Tinalo muna ng Pasay ang Parañaque , 66-34, habang ang Taguig ay nanalo sa Las Piñas, 82-68, sa larong ginanap nitong Lunes.

Show comments