MANILA, Philippines - Kapwa dinomina ng Adamson University at M.S. Marikina ang katatapos pa lamang na 2011 Cebuana Lhuillier-Chooks To Go Summer Grandslam Softball Invitational Championship sa La Trinidad, Benguet matapos manaig sa kani-kanilang kalaban.
Tinalo ng Adamson ang Manila para sa women’s crown, habang naungusan naman ng Marikina ang Philippine Air Force para sa men’s division title.
Pinuri naman ni ASAPHIL president Jean Henri Lhuillier ang mga local organizers at provincial government ng Benguet sa pangunguna ni Gov. Nestor Fongwan dahil sa matagumpay na pagdaraos ng nasabing event sa kabila ng masamang klima na nakaapekto sa mga laro.
Bukod sa mga team trophies, kinilala rin ng organizers ng isang linggong tournament na ini-host ni Gov. Fongwan at itinataguyod ng Pera Padala, Just Jewels, Cebuana Lhuillier Insurance Solutions, Le Soleil de Boracay, at Phiten ang mga individual players na sina Veronica Belleza ng Adamson at Marikina pitcher na si Leo Barredo na hinirang na MVP sa kani-kanilang division.
Magdaraos rin ang ASAPHIL ng softball event sa Philippine National Games sa Bacolod City. (VF)