Top spot sisipatin ng NLEX; Jarencio, Trillo suspendido

MANILA, Philippines - Matapos maselyuhan ang awtomatikong puwesto sa quarterfinals, winning momentum na lamang ang hahangarin ng NLEX sa pag­harap nito sa Freego Jeans sa 2011 PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Meralco Gym sa Pasig City.

Haharapin ng Road Warriors ang Freego Jeans sa unang tagisan sa ganap na alas-2 ng hapon at ang panalong makukuha ay magtutulak sa koponan na maging No. 1 team sa Group A.

May 4-1 karta ang tropa ni coach Boyet Fernandez, samantalang okupado ng PC Gilmore (4-2) ang posisyon sa quarterfinals matapos kunin ang unang ikalawang puwesto sa kanilang grupo.

Hindi nakaporma ang Su­mos sa Cebuana Lhuillier sa kanilang laro, 58-73, ha­bang ang Cultivators ay du­manas ng masakit na 70-71 pagkatalo sa Cobra Energy Drink.

Samantala, sinuspinde na­man ni PBA Commissioner Chito Salud sina coa­ches Pido Jarencio ng Max! Bond Super Glue at Luigi Trillo ng Cebuana-Lhuil­lier ng tig-isang laro dahil sa bench-clearing incident noong Huwebes.

KabuuangP64,500 mul­ta ang ipinataw sa mga sang­­kot kasama sina Junjun Cabatu ng Max! Bond at Ariel Mepana ng Cebuana-Luhillier.   

Show comments