World Cup kegfest gugulong bukas

Manila, Philippines - Nakatakdang gumulong bukas ang national championship sa kabuuang 14 venues kung saan pi-­ piliin ang mga bubuo sa ko­ponang isasabak sa 2011 Bowling World Cup.

Inaasahang lalahok ang mga national titlists noong nakaraang taon na sina Biboy Rivera at Apple Posadas.

Ang mga laro ay idaraos sa Paeng’s Midtown Bowl, Astrobowl (dating Metropolis), Superbowl, Coronado Lanes (dating starlanes), Commonwealth, Paeng’s Freedom Bowl Imus, SM North EDSA, Bowling Inn, Q. Plaza, Puyat Sports Baguio, Paeng’s Eastwood Bowl, SM Mall of Asia, SM Fairview at Paeng’s Sky­bowl.

Inangkin ni dating world champion Rivera ang bron­ze medal sa nakaraang in­­ter­­national finals sa Toulon, France.

Para sa taong ito, magbabalik ang naturang inter­national championships sa Johannesburg, South Africa kung saan tinanghal sina six-time world champion Paeng Nepomuceno at Arianne Cerdena bilang silver medalists sa men’s at women’s divisions noong 1993.

Ang national finals ay magtatampok sa mga qua­li­fiers mula sa 14 venues na idaraos sa Setyembre 17 at 18 sa Coronado Lanes, sa Setyembre 20 at 21 sa Paeng’s Midtown Bowl at sa SM Mall of Asia sa Set­yembre 23.

Show comments