MANILA, Philippines - Tatlong malalaking palaro sa chess ang gagawin sa bansa kung saan nakataya ang dalawa pang nalalabing slot para sa World Chess Cup.
Unang gagawin ang Asian Youth chess championship mula Mayo 14 hanggang 22 sa Subic at susundan ng Asian Zone 3.3 Chess Championship sa Tagaytay City sa Mayo 23 hanggang 31. Matapos ito ay babalik uli ang laro sa Subic para sa LWUA Chairman Prospero Pichay Cup International Chess tournament mula Hunyo 1 hanggang 9 sa Verona Hall ngTraveler’s Hotel.
Makikinabang din ang mga local chess players sa mga torneong ito dahil magkakaroon sila ng pagkakataong makasukatan ang mga bigating dayuhan.
Bukas sa standard chess at blitz chess ang Asian Youth ay katatampukan din ng anim na iba’t-ibang age groups sa kalalakihan at kababaihan.