Manila, Philippines - Maliban sa tradisyunal na pagtanggap sa kanya, ang vice-chairmanship rin sa House Committee on Games and Amusements ang naghihintay para kay Manny Pacquiao sa kanyang pagbabalik sa bansa.
“We want to honor him, but we are still figuring out what to give him, without looking silly. I wish we can think of something else to do aside from the usual,” sabi kahapon ni House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. sa isang press briefing.
Muli na namang nagbigay ng karangalan sa bansa ang Sarangani Congressman matapos talunin si Sugar Shane Mosley via unanimous decision noong nakaraang Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Matagumpay na naidepensa ng 32-anyos na Filipino world eight-division ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban sa 39-anyos na si Mosley.
“Boxing is one of those sports na nag-eexcel tayo and we want to promote that as well. He might as well be an icon for sports for everybody,” ani Belmonte kay Pacquiao.
Si Pacquiao ay nag-akda na ng pitong House bills sa kanyang unang taon sa Kongreso.