Tiyo ni Floyd inatake uli si Pacman

MANILA, Philippines - Wala nang gagawin ang kampo ng mga Mayweather kundi ang hanapan ng butas ang bawat laban ni Manny Pacquiao.

Muling binatikos ni Jeff Mayweather, tiyuhin ng walang talong si Floyd, ang laban ni Pacquiao kay Shane Mosley na kung saan umukit ang Pambansang kamao ng one-sided unanimous decision panalo nitong Linggo sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

Ipinunto man na si Pacquiao ang siyang umatake ng umatake sa kabuuan ng labanan, itinuro naman nito na isang one-dimensional fighter lamang ang Pam­ban­sang kamao at hindi uma­no napatulog ang mas may edad na kalaban.

“Manny took chances but more or less he expo­sed himself. He’s so one-dimensional it’s ridiculous. And when he got really ag­gres­sive, he threw a hook, left-hand, hook, left hand. Nothing else,” wika ni Mayweather sa Boxing Examiner.

Dahil sa nakita ay inulit nito ang paniniwalang hindi mananalo ang kasaluku­yang pound for pound king sa kanyang pamangkin.

 “Believe me, if Pacquiao fights like that he has no chance at all. Zero chance. With the speed and ti­ming that Floyd has, and the de­fense that he has, if he couldn’t hit Mosley, he sure ain’t going to hit Floyd, so I see an easy fight for Floyd,” dagdag pa ng matandang Mayweather.

Hanggang salita lamang ang puwedeng gawin ng kam­po ni Mayweather dahil hindi pa malinaw kung papa­yag ba o hindi si Floyd na la­banan si Pacquiao.

Ilang taon na ring binalak na selyuhan ang pagkikita ng dalawa pero palaging may katuwiran si Mayweather upang maudlot ang usapin.

Si Pacquiao ay nag­ha­nap na ng ibang makakaha­rap at si Mexican champion Juan Manuel Marquez ang siyang sunod niyang laban sa Nobyembre para ma­kumpleto ang trilogy ng da­lawa.

Show comments