Home and away Inter-City simula ngayon

MANILA, Philippines - Sisimulan ngayon ang home and away Inter-City phase sa 2nd Coca Cola Hoopla NCR Championship sa 10 magkakaibang palaruan.

Ang labanan sa East ay sa pagitan ng Quezon City at Pateros sa alas-6 ng gabi sa Libis Covered Court sa Quezon City at Pasig laban sa Marikina sa alas-7 ng gabi sa Concepcion Lino sa Marikina.

Ang Caloocan ay lalaban sa Navotas sa alas-6 ng gabi sa Navotas Sports Complex at ang Valenzuela ay sasagupa sa Malabon sa alas-7 ng gabi sa Hulong Duhat Covered Court sa Malaban sa North games.

Katatampukan ng la­ba­nan sa South ay ang Parañaque at Muntinlupa sa alas-4 ng hapon sa Area 1 sa Parañaque at Pa­say at Las Piñas sa alas-6 ng gabi sa Pasay Sports Complex.

Ang Cainta ay sasagupa sa Antipolo sa labanan sa West sa alas-6 ng gabi sa San Roque sa Cainta habang ang Binangonan ay lalaban sa Taytay sa dakong alas-6 ng gabi sa Ynares Plaza sa Binango­nan.   

Show comments