Takbo para iligtas ang Manila Bay

MANILA, Philippines - Ang paglilinis ng mama­mayan sa Manila Bay ay binigyang-diin sa pagsisi­mula ng pagpaparehistro ng mga tatakbo sa Manila Bay Clean-up Run na gaganapin sa ika-17 ng Hulyo. 

Maaring magpalista sa lobby ng Manila Broadcasting Company sa CCP Complex, Pasay ang mga interesadong tumakbo sa 3K, 5K, 10K, at 21K dibis­yon na panlalaki at pam­ba­bae. 

Magkakamit ng tropeo at cash prizes ang magwa­wagi sa bawat kategoriya --P20,000 sa first-placer ng 21K run, P10,000 sa 10K winner, P5,000 sa mangunguna ng 5K run, at P3,000 para sa 3K winner. Magkakaroon din ng special award para sa pinakamalaking delegasyon na makakapagsali ng hindi kukulangin sa 25 paying entries.  

Mula ika-7 ng Hunyo na­man, maaari ding magparehistro sa ROX na nasa Bonifacio High Street sa Global City, Taguig. 

Makikita ang kumpletong race guidelines at re­gistration form sa www.mbcsales.com. ph / www.loveradio.com.ph / www.yesfm.com.ph / www.easyrock.com.ph

Para sa dagdag na ka­alaman, tumawag sa Argent Network International, telepono bilang 482.5143, o makipag-ugnayan kay Pablo Cay sa 0916.688.8897 o kay Gay Maddela sa 0926.205.2787.

Show comments