Manila, Philippines - Kung taglay pa nito ang lakas at puso para maging isang world champion ang sisilipin sa pagsampa ni Bernabe Concepcion laban kay Mexican Juan Carlos Martinez ngayon na gagawin sa Mandalay Bay Hotel and Casino sa Las Vegas, Nevada.
Si Concepcion ay isang two-time WBO featherweight challenger pero hindi siya pinalad na magtagumpay na mapabilang sa hanay ng mga Filipino world champions.
Huling laban na sinuong ng 23-anyos tubong Virac, Catanduanes ay laban sa dating kampeon na si Juan Manuel Lopez sa Puerto Rico at nalasap ni Concepcion ang kauna-unahang KO kabiguan nang bumagsak siya sa ikalawang round.
Unang tangka niya sa nasabing titulo ay laban kay Steven Luevano noong 2009 pero na-disqualified si Concepcion sa laban dala ng pinakawalang illegal punch sa seventh round.
May ring record na 28-4-1, 15KO, si Concepcion ay kinuha na ni Manny Pacquiao at dinala pa sa US para magsanay sa Wild Card gym sa hangaring maibalik ang kanyang kondisyon.