Torres silver sa Japan trackfest

MANILA, Philippines - Humataw uli ng isang medalya si Marestella Torres sa paglahok nito sa 2011 Shizuoka International Track And Field Invitational na ginanap nitong Mayo 3 sa Ecopa Stadium, Shizuoka, Japan.

Hindi natapatan ng 30-anyos na si Torres ang 6.32 meter marka na ginawa nang manalo ng ginto sa Thailand Open noong na­karaang buwan pero ang 6.27m ay sapat naman para makuha ang pilak na medalya sa paboritong event.

Ang ginto ay nakuha ng isang manlalaro ng Japan sa 6.31m lundag habang ang bronze medal ay naiuwi ni Linda Allen ng Australia sa 6.27m marka.

Si Torres lamang ang kumampanya sa bansa dahil siya lamang ang naimbitahan sa hanay ng manlalaro ng PATAFA.  

Show comments