PC Gilmore kakasa sa quarters

MANILA, Philippines - Kumawala ang PC Gil­more sa Black Water Perfume sa ikatlong yugto upang selyuhan ang 92-75 panalo at makuha ang ikalawang puwesto sa quarterfinals sa Group A sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa San Andres Gym, Manila.

Mabangis ang paglalaro nina Carlo Lastimosa at Allan Mangahas nang magtala ang mga ito ng 22 at 20 puntos para sa Wi­zards na gumawa ng 56% shooting sa ikatlong yugto upang ang 39-all iskor ay maging 68-55 kalamangan papasok sa huling yugto.

 Huling tikim ng lamang ng Wizards ay sa 44-43 bago nagpakawala ng mag­kasunod na three-point play sina Mark Sarangay art Jett Vidal tungo sa 21-7 bomba.

Tinapos ng PC Gilmore, na naunang natalo sa unang laro, ang kampan­ya sa classification round tangan ang 4-2 baraha upang makasama ang NLEX (4-1) na diretso nang lalaro sa quarterfinals.

 Ikalawang sunod na kabiguan at kabuuang 3-3 karta naman ang nakuha ng Elite sa pangyayari.

Pinagtibay naman ng FCA Cultivators ang paghahabol sa nasabing puwesto sa Group B nang manalo sa Café France, 89-80.

Bumandera sina Mark Canlas, Sean Co, Gilbert Bulawana at Allan Husted sa panalo ng FCA.

PC Gilmore 92--Lastimosa 22, Mangahas 20, Vidal 17, Magbanua 8, Sarangay 6, Cortes 6, Agas 5, Acosta 3, Almazan 2, Parala 2, Dysam 1, Sinco 0, McCoy 0.

Blackwater 75--Mazo 25, Celeda 14, Ciriacruz 9, Ablaza 6, Acidre 4, Lapuz 4, Caperal 4, Belorio 4, Zulueta 3, Saret 2, Del Rosario 0, Ihalas 0.

Quarters: 23-18; 39-39; 68-55; 92-75.

Show comments