Concepcion wagi sa 2nd Coca-Cola Hoopla

MANILA, Philippines - Hindi hinayaan ng Concepcion na mapahiya sila sa harap ng mga kababayan nang maisantabi ang pagka­wala ng 21-puntos kalamangan sa unang yugto at ha­wakan ang 94-90 tagumpay sa Tinajeros sa 2nd Coca Cola Hoopla Intra-City elimination sa Malabon.

Ang full court press ng Tinajeros ang nagbangon sa koponan mula sa 7-28 iskor tungo sa 82-all pero na­numba­lik ang sigla ng laro ng Concepcion sa endgame tungo sa tagumpay.

Samantala, nanalo naman ang Mayamot sa Bagong Nayon, 119-77, sa Antipolo habang ang Kasipagan ay umiskor ng 87-47 dominanteng panalo sa Bukid sa Manila at ang San Roque ay nagtala ng 66-46 tagumpay sa Sta. Rosa sa Cainta.

Ang iba pang resulta ng laro ay Bernabe laban sa Fajardo, 91-81, sa Las Piñas; lumusot ang ASP sa Yasdo, 52-45 sa Muntinlupa at Parang sa Sta. Elena sa Marikina, 103-94.

Ang mga laro ngayon ay Mayamot vs San Jose sa 6 p.m. sa Richgolden School sa Antipolo; Kasipagan vs Black 4, 6:30 p.m. sa Brgy. 104, Zone 8 sa Manila; Pulang Lupa vs Almanza Uno, 2:30 p.m. sa Bernabe sa Las Piñas; Yasdo vs Southern Side, 6:30 p.m. sa Sto Niño Poblacion sa Muntinlupa; San Antonio vs BF Homes, 6:30 p.m. sa Area 1 sa Parañaque; Pasay Youth vs Batang Pasay, 4 p.m. sa Pasay Sports Complex; at San Jose vs Tangos, 6 p.m. sa Navotas Sports Complex 

Show comments