Gomez bigo uli sa World 9-Ball

MANILA, Philippines - Nananatiling walang ma­laking titulo si Roberto “Pinoy Superman” Gomez nang matalo siya kay Chang Jung-lin ng Chinese Taipei, 11-10, sa finals ng 2011 World 9-Ball Beijing Open Championship na gi­nanap sa Yueten Stadium sa Beijing China.

Tila naubos ang suwer­te ni Gomez nang nailusot ang mahihirap na laro sa quarterfinals at semifinals sa pagharap kay Chang para malagay uli sa ikalawang puwesto.

Ito ang ikalawang pag­kakataon na nabigo si Go­mez sa World 9-Ball title at ang una ay nangyari no­ong 2007 nang ang kom­petisyon ay ginanap sa Pilipinas.

Natalo si Gomez ng Bugsy Promotions kay Daryl Peach ng Great Bri­tain sa mahigpitang tagi­san.

Nakapasok si Gomez sa Finals nang talunin sina Wu Jiaging at Fu Che Wei na parehong manlalaro ng China sa iisang 11-9 iskor.  

Show comments