Handa na ako! - Pacquiao

HOLLYWOOD--Sa kanyang pagbisita sa Jimmy Kimmel Live, inihayag ni boxing king Manny Pacquiao ang kanyang ka­han­daan para labanan si Shane Mosley.

Tinanong si Pacquiao ng popular na talk show maski na itakda ang kani­lang laban ni Mosley bukas.

“It’s okay,” nakangiting sambit ni Pacquiao.

Pinalakpakan naman siya ng mga manonood.

Sa Wild Card Gym, nauna nang sinabi ni trai­ner Freddie Roach na han­dang-handa na si Pacquiao. At kumpiyansa rin siyang mananalo ang Filipino boxing icon.

“I don’t think we can lose this fight. But we’re not taking things lightly. From day one he knows it’s not an easy fight,” wika ni Roach.

Ang tanging inaalala lamang ng celebrated trainer ay ang sobrang gaang ni Pacquiao. Ang laban nila ni Mosley ay gagawin sa 147 lbs at kamakalawa bago ang kanyang workout, si Pacquiao ay tumimbang ng 150 lbs.

Halos 147 lbs nang umalis siya sa gym at sumakay sa kanyang itim na Mercedes Benz conver­tible.

“We’re in great shape. But the weight is a little low,” sabi ni Roach.

Ang fighting congressman ay naging suki na sa nasabing popular talk show na isinasaere ng ABC mula sa pamosong Hollywood Blvd.

“I feel like we have so­mething going here, and it’s quite dangerous if you didn’t come here before a fight,” ani Kimmel, tatlong be­ses nang naging bisita si Pacquiao.

Sinabi ng reigning WBO welterweight champion na hindi siya umaaasa sa isang knockout laban kay Mosley, ang pambato ng Pomona, California, sa ka­nilang laban sa Mayo 7 sa MGM Grand.

“I’m not concerned about that,” sabi ni Pacquiao.

“My concern is how the people will get satisfied with our performance,” dagdag ni Pacquiao na muling uma­­ni ng palakpakan mula sa audience.

Sa nasabi ring show, inilusot ni Pacquiao ang kanyang newly-released CD na “Sometimes When We Touch,” na kanyang ni-record kasama si Dan Hill.

Show comments