Rizal XI winalis ang North-South-CL Smart elims

MANILA, Philippines - Nagtulong ang magkapatid na Phil at James Younghusband sa tatlong goals upang pamunuan ang Rizal sa pagposte ng 10-0 panalo laban sa Laguna at walisin ang North-South-Central Luzon cluster eliminations ng Smart Club Championships na idinaos kamakailan sa University of the Philippines-Los Baños football field sa Los Baños, Laguna.

At sa kanyang unang goal sa local club na nila­ruan, binuksan ni Phil ang scoring sa 16th minute ha­bang ang kanyang nakakatandang kapatid na si James ay gumawa ng markers sa 50th at 54th minutes upang manguna ang Rizal booters sa five-team tourney bunga ng kanilang apat na sunod na panalo.

Nalasap naman ng host team ang kanilang ikalawang kabiguan sa apat na laro, na nagbigay daan sa Baguio-Benguet, isinara ang torneo sa 3-1 win-loss card, na maagaw ang ikalawang puwesto sa all-Luzon finals ng nasabing event na may ayuda ng Smart at inorganisa ng Philippine Football Federation (PFF).

Makakasama ng Rizal at Baguio-Benguet ang Masbate at Naga City-Camarines Sur sa all-Luzon tourney na nakatakda sa   Mayo 11 to 13 sa UPLB pitch upang madetermina ang dalawang koponan na kakatawan sa Luzon sa Smart Club Championship nationals na pansamantalang itinakda sa huling ba­hagi ng Mayo o sa kaagahan ng buwan ng Hunyo .

Sunod naman ang Wes­tern Mindanao cluster qualifiers sa April 26- 28 sa Pagadian, Zamboanga del Sur.

Show comments