MANILA, Philippines - Makikilatis ang mga bagong mukha sa pool ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA).
Apat nga sa mga batang atleta ang ka-sama sa pitong manlalaro na aalis ngayon patungong Bangkok upang lumahok sa 2011 Thailand Open.
Sina Hanelyn Loquiton, Josie Malacad, Kiezel Pedrina at Archan Bagcit na pawang mga UAAP champions sa kani-lang events ang makakasama ng mga beteranong sina Marestella Torres, Josie Villarito at Julius Sermona.
“Mga baguhan sila pero nananalo na sila sa UAAP kaya kinuha sila sa pool. Magandang exposures ito sa kanila para maipakita nila ang kanilang talento lalo na laban sa mga bigatin sa Southeast Asia,” wika ni Roselyn Hamero na kasama ni Joseph Sy ang tatayong coach ng ko-ponan.
Si Loquiton ay kakampanya sa 1,500m, si Malacad ay sa 400m hurdles at sa 400m naman sina Pedrina at Bagcit.
Ang mga medalya naman ay inaasahang magmumula sa mga beterano sa pangunguna nina Torres at Villarito na mga SEA Games gold medalist sa long jump at javelin throw.
Pero kung ano ang kulay ng medalyang kaya nilang iuwi ay hindi pa matiyak dahil ang mga ito ay hindi nakakapagsanay ng maayos dahil sa kawalan ng training ground matapos gawin na bilang football field ang Rizal Memorial Track Oval.
Si Torres nga ay kinailangang lumipat sa Dumaguete City upang dito makapagsanay. Si Sermona naman ay lalaban sa 5,000m run.
Hindi bababa sa sampung bansa ang inaasahang sasali sa torneo na itinakda mula Abril 22 hanggang 25 at ang delegasyon ay nakakuha ng pondo mula sa Philippine Sports Commission (PSC)