10 gold sa Smart jins sa ATF tourney

MANILA, Philippines - Umiskor ng mala­king panalo ang bansa sa in­terna­tional taekwondo event nang sumipa ang Smart Team ng 33 medal­ya, tampok ang 10 ginto sa nakaraang 10th ASEAN Taekwondo Federation (ATF) championships sa Phnom Penh, Cambodia.

Pinangunahan nina fea­therweight Gershon Bautista at welterweight Ernest John Mendoza ang impresibong performance ng Smart sa pagbulsa ng tig-isang ginto sa kyorugi (free sparring) senior men’s competition.

Nagwagi rin ang Smart’s kyorugi male at female junior bets ng pitong ginto, habang sa individual poomsae sumikwat naman si Shaneen Ched Sia ng isang ginto.

Ang mga junior gold win­ners ay sina finweight Inna Izabella Dionosio, ban­­tam Leigh Anne Nuguid, lightweight Apriel May Solimen at light iddle Bian­ca Maurice Go sa female division at sina fin Tristan Avelino, light Joaquin Mendoza at middle Guilliano de Dios sa male division.

Show comments