CHICAGO - Kumana si Kyle Korver ng 19 puntos at naglista naman si Derrick Rose ng 15 puntos at isinara ng Bulls ang kanilang regular season sa pagposte ng kanilang ikasiyam na dikit na panalo matapos talunin ang New Jersey Nets, 97-92 nitong Miyerkules sa NBA.
Ang panalo ay nagbigay sa Bulls ng home-court advantage sa buong playoff sanhi ng kanilang NBA’s best record matapos na matalo ang San Antonio sa Phoenix, 106-103.
Haharapin ng Chicago ang Indiana sa first round ng playoff.
Sa Sacramento, isinalpak ni Kobe Bryant ang isang 3-pointer sa huling 4.8 segundo upang itulak sa overtime ang laro at nagbalik sa kanilang porma ang Los Angeles Lakers para talunin ang Sacramento Kings, 116-108.