Ateneo, USLS wagi sa V-League

MANILA, Philippines - Umarangkada ang Ateneo sa fifth set para kunin ang 2-0 karta mula sa 25-19, 24-26, 17-25, 25-19, 15-6 panalo sa Lyceum sa Shakey’s V-League kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagtambal sa net sina Alyssa Valdez at Thai import Lit­­hawat Kesinee upang makuha ng Lady Eagles ang 8-0 la­mang na siyang tumapos sa laban ng Lady Pirates sa kom­petisyong inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s Pizza.

 “Maganda ang inilaro ng Lyceum at nawala sa focus ang mga bata. Pero ang maganda ay nakarekober sila lalo na sa last two sets,” wika ni Ateneo coach Charo So­riano.

May career-high 27 hits si Valdez kasama ang dala­wang service aces, habang tig-18 ang ibinigay nina Ke­sinee at Fille Cainglet.

Dinomina naman ng University of St. La Salle ang Na­tional University patungo sa 25-19, 25-18, 25-17, panalo sa unang laro.

Show comments