MANILA, Philippines - Tinapos ng Junior Powerade ang dalawang dikit na kamalasan nang kunin ang 77-73 panalo sa Cebuana Lhuillier sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Emilio Aguinaldo College gym.
May 16 puntos,10 rebounds at 7 blocks si Maggi Sison para sa Tigers na pumawi sa pagbangon ng Gems mula sa 70-56 agwat at nakadikit sa 75-73.
Tinalo naman ng Black Water Perfume ang Freego jeans, 104-81.
Si Ian Mazo ay nagtala ng 16 sa kanyang 25 puntos sa third period kung saan naglista ng isang 11-point lead ang tropa ni coach Leo Isaac tungo sa panalo na nagtulak sa koponan sa pagsalo sa Pharex, NLEX at PC Gilmore sa liderato sa Group A.
"Flat ang start namin pero noong nag-pickup ang laro namin, nagtuluy-tuloy na ito," wika ni Isaac.
May 23 puntos pa si Adrian Celada.