Libreng basketball coaching clinic ni Vice Mayor Belmonte

MANILA, Philippines - Mag-oorganisa si Quezon City Vice Mayor Joy Bel­monte ng isang libreng bas­ketball coaching clinic na pamamahalaan ni multi-titled coach Koy Banal mula Abril 25-29 sa Amoranto Sports Complex, Roces Avenue.

Ang nasabing four-day event, bahagi ng youth sports development prog­ram at livelihood project ni Belmonte, ay magsisi­mula sa ganap na ala-1 ng hapon.

Ang mga attendees ay ma­kakakuha ng libreng coaching manuals.

Si Banal, ang defensive coach ng B-Meg Derby sa PBA, ay inaasahang ipa­pa­mahagi ang kanyang coaching knowledge mula sa kanyang coaching ex­pe­rience sa Far Eastern Uni­­versity, San Beda at Mag­­nolia.

Ang tatlong koponan ay pa­wang inihatid ni Banal sa kampeonato sa UAAP, NCAA at PBL, ayon sa pag­kakasunod.

Sa mga interesado, tumawag kay JP Castanares sa 444-7272 local 8208 o sa 0917-3505872.

Show comments