Cuartero wagi sa Qualifier No. 7 ng Phl Open

MANILA, Philippines - Isama pa ang pangalan ni Allan Cuartero sa mga Filipino pool players na nakukuha ng tiket sa Philippine Open Pool Championships na lalaruin sa Abril 7-11 sa SM Megamall.

Ginapi ni Cuartero si An­drew Kong ng Hong Kong, 9-4, sa finals ng Qualifier No. 7 upang sa­ma­han na sina Roberto Go­mez, Jundel Mazon at Re­nemar David na nakalusot sa qualifying round na ginaganap sa Star Billiards Center sa Quezon City.

Kinatampukan ni Cuartero ang magandang laro sa finals nang maipasok ang nakatagong 2-ball sa 13th rack na nagselyo ng tagumpay.

“Sinuwerte lang at na­ku­ha ko ang tamang ang­gu­­lo. Nakatago siya sa six-ball pero natsambahan ko,” wi­ka ni Cuartero, isang Over­seas Filipino Worker.

Nabigo naman si Jephtah Palencia na makausad sa main draw nang mabigo kay Yoni Rachmanto ng In­donesia, 5-9.

Show comments