American import itatampok ng USLS sa V-League

MANILA, Philippines - Makakatagpo ng University of St. La Salle-Bacolod ang College of St. Benilde, habang makakaha­rap ng Southwestern Uni­versity ang Lyceum sa 8th Sha­key’s V-League sa Fil­oil Flying V Arena sa San Juan City.

Ipaparada ng USLS si American import Jayde Hair sa kanilang laro ng St. Be­nilde ngayong alas-2 ng hapon.

Ang 17-anyos na si Hair ay isang Century High School senior na nasa isang Christian mission trip at nakita sa Bacolod City ng La­dy Stingers.

Iginiya ni Hair ang Pocatello, isang Idaho-based team, sa 4A state cham­pionship noong 2010.

Magtatapat ang SWU at ang Lyceum sa ganap na alas-4 ng hapon at itatampok sina guest players Ken­yang Garces, Erika Ve­rano at Marlyn Llagoso.

Show comments