James hiniya ng dating team

CLEVELAND, Ohio - Hindi naging sapat ang triple-double ni LeBron James para ipanalo ang Miami Heat laban sa kanyang dating koponang Cleveland Cavaliers matapos manalo ang huli, 102-90.

Nagtala si James, iniwanan ang Cleveland noong nakaraang season para lumipat sa Miami bilang isang free agent, ay nagposte ng 27 points, 12 assists at 10 re­bounds.

Ang Cavaliers, nahulog sa ilalim nang mawala si James at may NBA worst record na 15-58 record ngayong season, ay nagtala ng isang 23-point lead para makabangon sa kanilang dalawang kabiguan sa Heat ngayong season.

Nakabangon ang Miami para itabla ang laro sa 83-83 sa 7:01 sa fourt quarter ngunit isang 12-0 run ang ginawa ng Cleveland upang selyuhan ang kanilang panalo.

Sa Newark, New Jersey, nagtala si Kyle Lowry ng 16 puntos, 10 assists at pitong rebounds nang umusad ang Houston ng dalawang games para sa final playoff berth sa Western Conference matapos ang 112-87 panalo laban sa host team.

Show comments