MANILA, Philippines - Nakabangon ang Gin Kings mula sa isang 19-point deficit sa third period.
Ngunit ang pagdomina ni 6-foot-11 American center Marcus Douthit laban kay 6’3 import Nate Brumfield sa dulo ng fourth quarter ang nagbigay sa Nationals ng isa sa dalawang automatic semifinals berth.
Humugot ang 30-anyos na si Douthit ng 14 sa kanyang game-high 30 points sa final canto upang tulungan ang Smart-Gilas sa 111-104 paggiba sa Barangay Ginebra patungo sa semifinal round ng 2011 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Kasabay ng pagtatala ng kanilang ikalawang sunod na panalo, pinigil naman ng Nationals ang four-game winning streak ng Gin Kings.
“PBA got a lot from us on how we play. We also got something from the PBA,” sabi ni Serbian coach Rajko Toroman.
May 7-1 baraha ngayon ang Smart-Gilas kasunod ang Talk ‘N Text ( 6-1), Alaska (5-2), Ginebra (5-3), Derby Ace (4-4), Rain or Shine (3-4), Air21 (2-4), Meralco (2-6), Powerade (2-6) at sibak nang San Miguel (1-7).
Sa likod ng 15 points ni Fil-Am Marcio Lassiter, tumipa ng 3-of-4 shooting sa three-point range, kinuha ng Nationals ang 29-13 lamang sa first period bago palakihin sa 18 puntos, 42-24, ang kanilang bentahe sa Gin Kings sa 7:00 ng second quarter.
Ikinasa ng Smart-Gilas ang isang 19-point advantage, 79-60, sa huling 1:43 ng third period mula sa isang three-pointer ni 6’8 Japeth Aguilar hanggang maibaba ito ng Ginebra sa 84-89 sa 6:37 ng final canto galing kina Mark Caguioa, Willie Miller at Willy Wilson.
Gamit ang kanyang tangkad at lakas, dinomina ni Douthit si Brumfield para ibigay sa Nationals ang 104-95 abante sa huling 47 segundo ng laro na pinalobo pa sa 106-95 buhat sa dalawang freethrow sni Fil-Am Chris Lutz sa natitirang 45.5 segundo na lang.
Tumapos si Lassiter ng 21 points para sa Smart-Gilas.
Smart Gilas 111 - Douthit 30, Lassiter 21, Casio 16, Lutz 15, Baracael 11, Aguilar 10, Slaughter 4, Ramos 2, Barroca 2, Ababou 0.
Ginebra 104 - Brumfield 21, Miller 21, Caguioa 21, Wilson W. 11, Hatfield 10, Labagala 8, Cortez 5, Villanueva 4, Mamaril 2, Tubid 1, Aquino 0, Intal 0.
Quarterscores: 29-13, 52-40, 79-69, 111-104.