Alcala, De Vera humataw sa PBaRS

MANILA, Philippines -  Walang hirap na uma­bante si Markie Alcala sa third round sa U-15 boys singles nang dominahin ang kalaban sa pagpapa­tuloy ng P1 milyon Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) kahapon sa Powersmash sa Makati City.

 Ang 12-anyos na si Alcala na kapatid ng national player na si Malvinne ay dinurog si Junean Hendriyanto, 21-8, 21-3, upang tumibay ang hangaring madomina ang dibisyon at masundan ang panalong kinuha sa U-13 sa Ming Ramos-Victor National Open.

Si Faith De Vera ay na­naig kay Angela Ramos, 21-18, 21-18, para mapasok naman ang quarterfinals sa girls’ division ng age bracket sa palarong suportado ng MVP Sports Foundation-Goal Pilipinas!, Bingo Bonanza Corp. at Victor.

Sunod na kalaban ni Alcala ay si Vincent Manuel na pinagpahinga na si Wilson Lopez, 21-14, 21-11; habang si De Vera ay kakaharapin si Kyle Bernas.

(ATAN)

Show comments