Do-or-die match

MANILA, Philippines - Sa malaking 2-0 panalo ng Bangladesh sa Myanmar, magiging isang 'must win situation' na ang laban ng Philippine Azkals sa na­tu­rang koponan ngayong alas-5 ng hapon.

Nakatakdang magsa­gupa ang Azkals at ang Bang­ladesh sa huling laro sa group stage ng 2011 Asian Football Confederation (AFC) Challenge Cup sa Rangoon, Myanmar.

Kasalukuyang may 2 points ang Azkals sa sco­ring system ng torneo, samantalang bitbit ng Palestine Figh­ters ang 4 points at taglay ng Bangladesh ang 3 points at may 1 point ang White Angels ng Myanmar.

Tinalo ng Bangladesh ang Myanmar, 2-0, matapos ang 0-2 kabiguan sa Palestine para sa kanilang 3 points, habang may 2 points naman ang Azkals matapos ang 1-1 draw sa White Angels ng Myanmar noong Lunes at scoreless draw sa Fighters ng Palestine noong Miyerkules.

Ang 2 points ng Azkals ay mula sa kanilang 1-1 draw sa White Angels no­ong Lunes at 0-0 scoreless draw sa Fighters noong Miyerkules.

Ang won game ay may katumbas na 3 points sa scoring system, habang ang draw ay 1 point.

"BIG BIG game tomorrow. Must win!," sabi ni Fil-German Simon Greatwitch sa kanyang Twitter account kahapon sa pagsagupa ng Azkals sa Bangladesh, tumipa ng malaking 2-0 panalo laban sa Myanmar.

Si Shakil Ahmed ang gumitla sa mga Myanmar fans sa Yangon Youth Centre nang ikonekta ang isang goal sa pang-10th minute sa first half, habang nailusot naman ni Mohammedan midfielder Abdul Baten Mojumder Komal ang isa pang goal sa pang 67th minute sa second half para sa 2-0 tagumpay ng Bangladesh.

Ayon sa tournament regulations, “the greater number of points obtained in the group matches bet­ween the teams concerned” ay ang unang kriterya para paghiwalayin ang dalawa o tatlong mga koponang may magkakatulad na puntos.

Aabante ang Myanmar kung mananalo sila la­ban sa Palestine, nakapa­sok sa quarterfinals ng AFC Challenge Cup noong 2006.

Sakaling muling mauwi sa draw ang laban ng Azkals at Bangladesh, ang huli ang siyang papasok sa tournament proper kasa­bay ng pagkakasibak sa mga Filipino booters. 

Show comments