Gadi, Castillo babandera sa PBaRS tourney

MANILA, Philippines - Mangunguna ang mga Yonex champions na sina Antonino Gadi at Gelita Castilo sa hanay ng mga kasali sa Philippine Badminton Ranking System (PBaRS) na ilalarga sa Marso 27 sa Powersmash sa Makati City.

Si Gadi ay isang three time champion sa men’s singles habang si Castilo ay two time champion sa ladies at sila nga ay namumuro na makapagdomina uli sa karerang nilagyan ng P1 milyong kabuuang gantimpala.

Sina Melvin Llanes, Lloyd Escoses at Jaime Lllanes ang makakasama nina Emmanuel Garcia at Wilfredo Amoroso na magsisilbing tinik sa men’s division habang sina Dia Magno, Bianca Carlos, Jubie Ann Vallarta at Ma. Isabelle Villaran ang makikipagsiksikan sa kampeonato sa kababaihan.

Suportado rin ang kompetisyon ng Victor, Gatorade at Powersmash at media partners naman ang The Philippine Star, TV5, Jam 88.3, Wave 89.1, Magic 89.9, 99.5 RT at 103.5 WOW!

Show comments