Green inihatid ang Celtics sa panalo, sumalo sa unahan sa East

BOSTON - Humugot si reserve Jeff Green ng 13 sa kanyang 19 points sa second quarter para tulu­ngan ang Boston Celtics na makatabla sa first place sa Eastern Conference matapos talunin ang India­na Pacers, 92-80.

 Kapwa may 48-18 win-loss record ngayon ang Celtics at Chicago Bulls para sa karera sa home-court advantage patungo sa conference finals.

 “I think they’re motiva­ted every night, particularly after a tough loss,” sabi ni Pacers coach Frank Vogel sa Boston. “Chicago ta­king over the top spot in the East, (the Celtics) knew they needed this game and they brought their ‘A’ effort. It was too much for us.”

 Umiskor si Paul Pierce ng 20 points para sa Cel­tics.

 Si Green, kasama sa trade na nagdala kay center Kendrick Perkins sa Oklahoma City Thunder bago ang trading deadline, ay may mga averages na 11 points para sa Boston, nakahugot rin kay Glen “Big Baby” Davis ng 9 points at 9 rebounds.

 Hindi pa rin naglalaro sina Shaquille O’Neal at Jermaine O’Neal dahil sa kanilang mga injuries.

 Pinamunuan ni Danny Granger ang Pacers sa kanyang 15 points kasunod ang 14 ni Josh McRoberts na may 11 rebounds.

Sa Miami, kumana si Kevin Durant ng 29 puntos at nagdagdag naman si Russell Westbrook ng 18 puntos at diniskaril ng Oklahoma City Thunder ang Miami sa 96-85 panalo kontra sa Miami Heat.

Kumana naman si James Harden ng 12 puntos para sa Thunder, nanalo ng limang dikit.

Sa Milwaukee, nagposte si Dwight Howard ng 31 puntos at 22 puntos at banderahan ang Orlando sa pagtakas sa host team ng 93-89 panalo sa overtime.

Isinalpak ni Hedo Turkoglu ang 19 puntos sa overtime na naging madali para sa Magic na ipanalo ang kanilang limang sunod na laro sa labas ng kanilang balwarte.

Sa iba pang resulta, nanalo ang Denver sa Atlanta, 102-87 at hiniya ng New Orleans ang Phoenix, 100-95.

Show comments