Phil. Army dragon boat champions sa Manila Bay Seasports Festival

MANILA, Philippines - Nakuha ng Philippine Army ang kampeonato sa men’s division ng dragon boat competition sa 2011 Ma­nila Bay Seasports Festival na ginanap noong ling­go. 

Triton naman ang nagwagi sa women’s division, at ang Fleet Marine ang nanalo sa mixed division.

Nakamit naman ng mga batikang bangkero mula Batangas at Cavite ang kampeonato sa karera ng mga bangka. Si Randy Tiaga, lulan ang kanyang bangkang “Gabriel” ang nagwagi sa Stock Race, habang si Marlon Morada naman na piloto ng “Octava 2” ang nanalo sa Formula Race.

Ang Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Smart Communications, Caltex, Gold Eagle Beer, Revicon Forte, Zesto, Filinvest, NutriCee, M. Lhuillier, Chocquick, Wings Detergent, Briggs and Stratton, at Cord Marine Epoxy. 

Show comments