Sanchez kampeon sa Cannes Chessfest

MANILA, Philippines -  Tinalo ni Fi­lipino Grandmaster Joseph Sanchez si Italian GM Sabino Brunello para ma­pagharian ang 25th In­­ternational Open “Pier­re et Vacances” na tinagurian ding Cannes Chess Festival mula Pebrero 21 hanggang 27 sa Cannes, France.

Kinailangan lamang ni Sanchez ang 33 sulong ng English Opening sa ikasiyam at huling round para tapusin ng 14th seed sa torneo taglay ang pitong puntos.

Umabot sa 64 manlalaro ang lumahok sa isang linggong torneo at umabot sa 17 ang Grandmasters na sumali at halagang 10,000 Euro ang kabuuang premyo.

“I’m really happy for him and he deserves this,” wika ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) President/Chairman Prospero “Butch” Pichay Jr.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nanalo si Sanchez dahil siya rin ang hinirang na hari noong 2009 edisyon.

Show comments