PSC pinagkaitan ng tulong pinansiyal sina Serrantes, Villanueva

MANILA, Philippines - Kailangan ng madaliin ng mga Kongresista at Senador ang pag-amyenda sa batas patungkol sa pagbibigay ng benepisyong medikal sa mga atletang nagbigay ng karangalan sa bansa sa mga malakihang kompetisyon upang hindi matulad sa mga atletang binabalot ngayon ng matin­ding karamdaman.

Kawalan ng nakasaad patungkol sa pagbibigay ng ganitong tulong sa RA 9064 o Incentives Act ang nagtulak sa Philippine Sports Commission (PSC) upang tanggihan ang kahilingan na tulungan sina Olympian boxers Anthony Villanueva at Leopoldo Serrantes.

Si Villanueva ang kauna-unahang silver medalist ng Pilipinas sa Olympics na nangyari noong 1964 sa Tokyo habang si Serrantes ay nanalo ng bronze noong 1988 sa Seoul.

Kapwa nakaratay sa ma­tinding karamdaman ang dalawa at si Villanueva ay nagdurusa sa ikatlong stroke habang chronic obs­tructive pulmonary disease naman ang sakit ni Serran­tes.

Kapwa tumanggap na ng benepisyo na ibinigay ng PSC base sa pagiging past achievers sina Villa­nueva at Serrantes at may tinatamong pension pero umaasa rin na mabibigyan pa ng tulong upang maita­wid ang kasalukuyang ka­ramdaman.

Si Ded Cosecss Cesar Pradas ang siyang naglapit sa PSC board sa kahili­ngang matulungan pa ang dalawa sa pagbibigay ng ka­ragdagang tig-P100,000 para sa pagpapagamot pero denied ito base sa Re­solution No. 019 at 020 2011.

Ikinaturiwan ng PSC board sa resolusyon na tumanggap na ng P500,000 at P1.05 milyon, ayon sa pag­kakasunod sina Serrantes at Villanueva bi­lang pabuya sa kanilang pagbi­bigay karangalan. Bukod pa ito sa nakukuhang P6,000 at P7,000 bu­wanang pension.

Samantala, nagpalabas naman ang PSC ng halos P2.4 milyon para sa pagkumpuni at ilang prog­ramang hinawakan ng ahensya.

Halagang P1.9 milyon ang ibinayad ng Komisyon sa Le Bron Construction para sa paglalagay ng maple flooring sa Brent Gym sa Philspors Complex sa Pasig City.

 Aprubado na rin ang P450,000 pondo para iba­­yad sa nagastos ng PSC sa Annual Year-End Assessment Conference noong Disyembre 22 sa Rizal Memorial Badminton Hall at ang pagpapalabas ng P50,000 para sa ginastos ng ahensya sa POC-PSC Fellowship night at 1st Fri­day Mass noong Enero 7 sa Philsports Arena. (

Show comments