Black Water paghahandaan ang PBA D-League, may tryout

MANILA, Philippines –  Magdaraos ang Black Water ng Ever Bilena, isa sa 14 na koponan na kasali sa bagong tatag na PBA D-League, ng tryout bukas sa Arellano University Gym sa Legarda, Manila.

Ang sinumang interesadong aplikante ay kailangang dumating bago magsimula ang nasabing tryout sa alas-10 ng umaga at hanapin si Johnson Ma­rtines.

Isa lamang ang Black Water, pag-aari ni Dioceldo Sy at gagabayan ni dating Ginebra star Leo Isaac, sa mga koponan na lalahok sa PBA farm league na tatakbo mula Marso 15 hanggang Hunyo 9.

Show comments