LOS ANGELES - Hindi lamang isang malakas na suntok ang magpapabagsak kay Manny Pacquiao.
Ito ang alam ng lahat.
“It will take sustained power to hurt and drop him,” sabi ni Naazim Richardson, ang chief trainer ni Shane Mosley.
Ilang araw na magkasama sina Pacquiao at Mosley kaugnay sa kanilang four-city press tour na dumayo sa Los Angeles, Las Vegas hanggang sa New York sa loob ng limang araw.
Nanatili si Mosley sa New York noong Lunes, samantalang sumakay naman si Pacquiao ng tren papuntang Washington para sa isang pakikipagkita kina President Barack Obama at Senator Harry Reid.
Minsan namang napapatingin si Richardson kay Pacquiao kasabay ng pagpuri ng Filipino bioxing superstar.
“Trainer Naazim said it will take more than one big punch - like Mosley’s crack against Mayweather - to beat Pacquiao,” wika ni Lee Samuels ng Top Rank Promotions.
Halos mapabagsak ni Mosley si Floyd Maweather sa second round ng kanilang laban noong Mayo 1 ngunit nabigong maging agresibo hanggang matalo via unanimous decision.
Kumpiyansa si Mosley na kaya niyang patulugin si Pacquiao sa pamamagitan ng isang suntok lamang.
Ngunit hindi ito sapat, ayon kay Richardson.
“Manny is a warrior, a great fighter. It will take sustained firepower to hurt and drop him. We plan to keep the pressure on him,” sabi ng trainer ng 39-anyos na si Mosley.
Bubuksan ni Mosley ang kanyang training camp sa March 7 sa Big Bear, habang apat na linggo namang magsasanay si Pacquiao sa Manila at Baguio bago magtungo sa LA.