Slam dunk champion ipaparada ng Bolts vs Kings

MANILA, Philippines - Isang slam dunk champion ang itatampok ng Me­ral­co laban sa Barangay Gi­nebra para sa dara­ting na 2010-2011 PBA Commissioner’s Cup sa Pebre­ro 18 sa Ilocos Norte Centennial Arena (INCA) sa Laoag City.

Kumpiyansa si Bolts’ head coach Ryan Gregorio sa maibibigay sa kanila ni Anthony Danridge, ang 2009 NCAA slam dunk champion mula sa University of New Mexico.

“He complements the ga­me of our guards. His quick­ness and ability to finish fastbreak situations are some of his assets that could help our team,” sabi ni Gregorio sa 6-foot-4 na si Danridge.

Makakatuwang ni Danridge para sa kampanya ng Meralco sina 6’8 Asi Taulava, Mac Cardona at Sol Mercado.

“Over all his athleticism is out of this world. I have not seen a player who has incredible flare when finishing fastbreak attacks,” ani Gregorio kay Danridge. “If I were a fan, I would definitely watch him play just to get a good glimpse of his highlight reels.”

Itatapat naman ng Gin Kings ni Jong Uichico si 6’3 Nathan Brumfield, produkto ng Oklahoma Baptist University at naglaro para sa Pioneros de Quintana team sa Mexican league.

Sa Mexican league, nagposte si Brumfield ng mga averages na 14.5 points mula sa .566 fieldgoal shooting at .673 sa freethrow line sa kabuuang 32 games.

Ang iba pang imports na makikita sa torneo ay sina Paul Harris (6-foot-3 3/8) ng Talk ‘N Text, JaJuan Smith (6’2) ng Air21, Russell Carter (6-foot-3 3/4) ng Powerade , Hassan Adams (6-foot-3 5/16) ng Rain or Shine, Larry Williams (6-foot-3 5/8) ng Alaska, Robert Brown (6-foot-2 5/16) ng Derby Ace at Ira Brown (6’4) ng San Miguel.

“Our format for the se­cond conference makes every game counts. That means there will be no bo­ring playdate in the eli­mination round,” sabi ni PBA Commissioner Chito Salud.

Ang 10 teams ay sasalang sa isang single round robin para sa kabuuang 9 games kung saan ang apat na nasa ilalim ay masisibak, habang ang top two teams ay makakakuha ng outright semifinals ticket.

Ang third, fourth, fifth at sixth placed teams ay papasok naman sa best-of-three quarterfinals series. Ang ma­nanalo sa dalawang quarterfinal match-ups ay aabante sa Final 4 para sa best-of-five semifinals series.

Show comments