NU Bulldogs dumikit na sa St. Clare College sa liderato sa B-League

MANILA, Philippines - Habang tumatagal ang kompetisyon ay patuloy naman ang paghusay ng mga pool players ng National University na naglalaro sa National Collegiate Billiards League sa Star paper Billards Center sa Quezon City.

Sa idinaos na aksyon nitong nagdaang Sabado’t-Linggo ay humirit ang Bulldogs ng panalo sa San Sebastian College, 3-0, at sa Letran, 2-1, upang mapawi ang 1-2 kabiguan sa Philippine Maritime Institute.

Dahil dito, ang NU ay nakakadikit na sa nangu­ngunang St. Clare sa nalikom na 62 puntos papasok sa huling tatlong linggo ng eliminasyon.

Ang St. Clare ay nana­na­tiling nasa unang puwesto sa 70 puntos at nakatulong sa Saints ang pagkapanalo sa pamamagitan ng default sa Centro Escolar University at San Beda upang isa­­ma sa 2-1 tagumpay sa UP-Manila.

Ang Lyceum at PMI ay nasa ikatlo at ikaapat na puwesto sa 59 puntos.

Show comments