Barbosa sumulong ng panalo

MOSCOW, Russia – Tinalo ni Filipino International Master Oliver Barbosa si GM Pavel Kotsur ng Kazakhstan sa eighth round ng Moscow Open chess championships dito sa Russia State Social University.

Ito ang ikatlong sunod na panalo ng 24-anyos na si Barbosa matapos talunin ang higher-rated na si Kotsur (ELO 2559) sa 42 moves ng Caro-Kann Defense.

May 6.5 points ngayon si Barbosa mula sa kanyang 6 wins, 1 draw at 1 loss.

Ang 52nd-seeded na si Barbosa, may ELO 2461, ay naglaro ng itim na piyesa kontra sa18th-seeded na si Kotsur.

Sa kabuuan, katabla si Barbosa sa sixth hanggang 20th places sa ilalim nina GM Nikolai Kabanov ng Russia, GM Zhou Weiqi ng China, IM Igor Kovalenko ng Ukraine, GM Farrukh Amonatov ng Tajikistan at untitled Vladimir Belous ng Russia.

Nakatakdang labanan ni Barbosa si No. 11 seed GM Sergey Volkov ng Russia.

Show comments