CHARLOTTE, N.C. — Isang gabi matapos umiskor si LeBron James ng 51 points, nagposte naman si Dwyane Wade ng una niyang triple-double matapos ang limang taon.
Humakot si Wade ng 22 points, 12 rebounds at 10 assists sa kabila ng sumasakit na likod para tulungan ang Miami Heat sa 109-97 paggiba sa Charlotte Bobcats.
Ito ang pang limang dikit na ratsada ng Heat.
Hindi pa natiyak na maglalaro si Wade isang oras bago ang tip-off matapos masaktan sa laro ng Miami sa Orlando.
Itinala ni Wade ang kanyang pang apat na career triple-double ngunti kauna-unahan matapos noong Enero13, 2006 sa Seattle.
“I kind of stopped caring about getting triple-doubles. I used to try and I wasn’t succeeding,” ani Wade. “I’ve got to be leading the league in close-to-triple-doubles. It feels good to finally get one after five years off.”
Nagdagdag naman si James ng 19 points, 8 rebounds at 9 assists laban sa Bobcats makaraang tumipa ng 51 points kamakalawa..
“Just the fact that they’re sharing and scoring and rebounding and playing defense all at the same time, it shows how versatile they are,” ani Chris Bosh, may 14 points para sa Heat.
Umiskor sina Gerald Wallace at Stephen Jackson ng tig-25 points para naman sa Charlotte.