So bigo kay McShane, sibak na

WJJK AAN ZEE, Netherlands-- Isa na namang kabi­guan ang nalasap ni Filipino GM Wesley So.

Yumukod ang 17-anyos na si So kay dating world youth champion GM Luke McShane ng England sa 12th round ng 73rd Tata Steel-Corus Group B chess cham­pion­ship dito sa de Morianne Community Center.

Matapos magtala ng isang four-game winning streak mula sa apat na sunod na draw, nakatikim si So ng dalawang dikit na ka­malasan matapos bumitaw kay McSha­ne sa 40 moves ng Caro-Kann.

Nahulog si So mula sa first place sa pagtabla sa fourth hanggang seventh pla­ces sa kanyang 7.0 points kasama ni­n­a GMs Le Quang Liem ng Vietnam, Gabriel Sargissian ng Armenia at Vlad Tka­chiev ng France.

Show comments