Patrombon sibak na sa Aussie Juniors Open

MANILA, Philippines –  Hindi napanatili ni Jeson Patrombon ang naunang mainit na paglalaro sa hu­ling dalawang set upang matalo kay fourth seed George Morgan ng Great Britain, 7-5, 2-6, 3-6, at mamaalam na sa Australian Open Juniors Championships sa Melbourne, Australia.

Nagtala ng mga unfor­ced errors ang eight seed sa torneo sa huling dala­wang set na agad na kina­pitalisa ni Morgan para ma­nalo sa kanilang laban.

Bunga nito ay nabigo ang 17-anyos na si Patrombon na mapantayan ang nagawa ni Felix Barrientos na naabot ang semifinals sa 1985 Wimbleton Juniors Championships na siya pa ring pinakamagandang na­abot ng isang junior Filipino netter sa Grandslam event.

Umani naman ng ma­ha­lagang ITF puntos si Patrombon para tumaas pa ang kasalukuyang 12th world ranking nito pero higit dito, ang karanasan ay makakatulong para mas bumangis siya kapag sumabak na siya sa mga susunod na men’s tournament na lalahukan.

Show comments