MANILA, Philippines - Itinakas ng San Beda ang kanilang kauna-unahang overall championship sa NCAA taekwondo competitions matapos walisin ang men’s at women’s divisions saThe Arena sa San Juan City nitong Martes.
Nagposte ang Lions ng kabuuang 421.5 puntos na sapat na para sa kanilang ikalawang sunod na titulo sa men’s side makaraang ungusan ang St. Benilde at San Sebastian na tumapos ng 2nd at 3rd place taglay ang 287.33 at 249.08 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Ibinulsa naman ni Ron lLfred David, isang rookie mula sa Baguio City ang MVP plum matapos maglabas ng matikas na performance sa men’s side.
Tinanghal naman ang Lionesses na kauna-unahang kampeonato makaraang aprobahan ang women’s taekwondo na maging regular sport matapos ang tatlong taong paglahok bilang demonstration event.
Binanderahan ni MVP Reyna Alarva ang kampanya ng San Beda sa paglista ng 313.37 puntos at talunin ang St. Benilde at Letran na lumagay ng 2nd at 3rd place taglay ang 262.5 at 234.8 puntos, ayon sa pagkakasunod.