MANILA, Philippines - Sa posibleng huling anim na laban ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao, maaaring makasama rito si Floyd Mayweather, Jr.
“That fight is not hard to make. It’s up to Floyd Mayweather. If Mayweather wants to fight Manny, I mean, obviously, Manny has to get by Mosley,” wika ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa inaabangang Pacquiao-Mayweather megafight.
Dalawang beses nang nabasura ang pinaplantsang banggaan nina Pacquiao, may 52-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang 38 KOs, at Mayweather (41-0-0, 25 KOs) bunga na rin hindi pagkakasundo ng dalawang kampo sa ilang detalye ng fight contract.
Nakatakdang itaya ng Sarangani Congressman ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban sa 39-anyos na si Sugar Shane Mosley (46-6-1, 39 KOs) sa Mayo 7 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
Nauna nang sinabi ng 32-anyos na si Pacquiao kay Arum na maaari pa siyang lumaban ng anim na beses bago tuluyang magretiro sa taong 2013.
“But of course we would look to fight Mayweather next. It’s not a hard fight to make,” sabi ni Arum. “It’s not hard at all. All Floyd Mayweather has to do is to say yes, and everything else would fall into place.”
Naniniwala naman si promoter Don King na mahihikayat niya si Mayweather, huling tinalo si Mosley noong Mayo, na muling umakyat ng boxing ring.
“Yes. Floyd Mayweather will fight again. Floyd Mayweather, in my humble opinion, is the best fighter in the world. He can fight anybody and everybody,” ani King. “Floyd, if he desires, could fight every three or four months, even without Pacquiao. But the two of them meeting is inevitable. They should meet.”
Nanggaling si Pacquiao sa isang unanimous decision victory laban sa 5-foot-11 na si Antonio Margarito ng Mexico para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight belt noong Nobyembre 14 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.
Ito ang pang walong world boxing belt ni Pacquiao sa walong magkakaibang weight divisions.