Patrombon wagi sa Australia Junios Open

MANILA, Philippines - Nakuha ni Jeson Pat­rombon ang isang break para sa 6-4, 7-6(5) panalo kay Jordan Thomson ng Australia sa unang laro sa Australia Open Junios Cham­pionship sa Melbourne, Australia.

Alinman sa dalawang netter ay may tsansang makuha ang panalo sa se­cond set dahil nagkatabla sila sa 5-5 pero nagpaka­wala ng isang ace si Pat­rombon bago nanaig sa mahabang palitan kay Thomson sa sumunod na puntos para makuha ang karapatang umabante sa round of 32.

Nakuha ni Patrombon ang panalo kahit may mga paltos sa kamay at paa dala ng sobrang init. May ininda rin itong pulikat, habang nakitaan din ng katatagan dahil ang mga manonood ay sumusuporta sa kanilang ka­babayang si Thomson.

Ito ang unang Grandslam event ni Patrombon pero ikalawang torneo sa taong 2011 at nais niyang mahigitan ang pagpasok lamang sa second round na nangyari sa Loy Yang Traralgon noong nakaraang linggo.

Sunod na babanggain ni Patrombon ang manana­lo sa pagitan nina sixth seeded Roberto Carballes Baena ng Spain at Patrick Ofner ng Austria.   

Show comments