MELBOURNE, Australia - Umusad si Caroline Wozniacki sa third round ng Australian Open matapos ilista ang 6-1, 6-0 panalo laban sa American na si Vania King nitong Miyerkules.
Hindi man lamang kinakitaan ng pagkataranta ang 20-anyos Danish player sa 58-minutong paglalaro, kanyang binasag ang serbisyo ng 88th-ranked na si King upang tapusin ito at umentra sa third round sa kanyang 13th sunod na Grand Slam tournament.
Hindi pa siya nananalo sa major, pero hawak niya ang No. 1 rank simula pa noong October at mapapanatili niya ito kung siya ay papasok sa semifinals dito.
Sa iba pang laro, ipinagpatuloy naman ni Justine Henin ang kanyang pagbabalik mula sa injury sa bisa ng 6-1, 6-3 panalo laban kay Elena Battacha ng Britain.
Tinalo rin ni Svetlana Kuznetsova ang Dutch qualifier na si Arantxa Rus, 6-1, 6-4 at nanaig ang No. 8 na si Victoria Azarenka kay Andrea Hlavackova, 6-4, 6-4.