So, Vietnamese rival nagkasundo sa draw

WIJK AAN ZEE, Netherlands - Nakihati ng puntos si Filipino GM Wesley So kay Southeast Asian rival GM Le Quang Liem ng Vietnam sa pagsisimula ng 2011 Tata Steel-Corus Group B chess championships dito sa de Moriaan Community Center.

Si So, naglalaro sa ikatlong sunod na pagkakataon sa nasabing annual chess meet, ay nakipag-draw kay Le matapos ang 36 moves ng Catalan.

Nang mauwi sa draw ang kanilang laro, hawak ni So ang isang bishop at apat na pawns laban sa knight at apat na pawns ni Le.

Nadepensahan ng Filipino champion ang agresibong opensa ng puting piyesa ng Vietnamese bago sumapit sa draw ang kanilang laban.

Susunod na makakaharap ni So ay si sixth seed GM Gabriel Sargissian ng Armenia sa second round.

Tinalo ni Sargissian si GM Surya Shekhar Ganguly ng India sa 38 moves ng Queen’s Gambit Accepted para sa liderato katabla ang tatlong iba pang GMs.

Show comments