Salvador babandera sa Vietnam chessfest

MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Filipino Grandmaster Roland Sal­vador ang kampanya ng Pilipinas sa pagbubukas ng 1st HD Bank Cup Open Chess Tournament sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Matapos isagawa ngayong araw ang technical mee­ting, sisimulan sa Martes ang pigaan ng utak na tatagal hanggang sa Enero 9.

Ang naturang tournament ay isang Swiss System competition na tatampukan ng 9 rounds at ito ay lalaruin base sa FIDE regulations na may time control na 90 mi­nutos para sa isang buong laro at karagdagang 30 se­gundo kada sulong simula sa unang move. At ang alok na draw na mas mababa sa 30 moves ay hindi papayagan at ang mga pai­rings ay gagawin ng Swiss Manager, ayon sa organi­zing committe na Vietnam Chess Federation.

Kalahok din sa nasa­bing event sina GMs Dar­win Laylo, John Paul Go­mez, IMs Richard Bitoon, Oliver Barbosa, Kim Steven Yap at Oliver Dimaki­ling, FM Haridas Pascua, NMs Emmanuel Senador at Egdar Reggie Olay, Rodolfo Panopio Jr. at Merben Roque.

Show comments