2 ginto kumakaway kay Alcala

MANILA, Philippines - Inilinya ni Malvinne Ann Alcala ang sarili sa posibleng double gold nang uma­bante siya sa girls Open at U-19 division sa pagpapa­tuloy ng Ming Ramos-Victor National Open and Youth Badminton Championships sa PSC Badminton Hall sa Rizal Memorial Sports Complex.

Natatanging manlalaro na naghatid ng ginto sa Singapore Youth International, ang 15-anyos na si Alcala ay nanalo kay Janelle de Vera, 21-8, 21-12 sa Open class matapos dumiretso sa finals sa U-19 nang hindi makalaro ang na-injured na kalaban na si Anna Bar­redo.

Si de Vera ang siya ring makakalaban ni Alcala sa finals ng U-19 habang si Nikki Servando ang ma­kakatuos nito sa Open nang manalo ang tubong Bacolod laban ay second seed Danica San Ignacio, 21-19, 21-14.

Nakapagtala naman ng upset si Paul Vivas nang kalusin niya ang top seed Joper Escueta sa men’s Open semifinals, 21-19, 21-18.

Makakatuos ng third seed na si Vivas si second seed Peter Magnaye na kinailangang bumangon sa first set kabiguan tungo sa 14-21, 21-7, 21-14 panalo kay Honesto Buendia.

Bigo man sa Open ay palaban pa rin si Escueta sa U-19 sa apat na araw na torneo na inorganisa ng Philippine Badminton Association (PBA) at suportado ng San Miguel Corporation at Victor.              

Nangibabaw si Escueta kay Kevin Cudiamat, 21-14, 21-15, upang itakda ang pagkikita nila ni Magnaye na nauna ring tinalo si Buendia, 21-18, 21-15.

Namuro rin Cassandra Grace Lim na maging double gold medalist matapos manalo sa U-15 at U-17 girls singles.

Ang 15-anyos na si Lim ay nanalo kay Samantha Ramos, 21-13, 21-12, upang umabante sa finals sa girls singles 15-under laban kay Joella Geva de Vera.

Si De Vera na third seed sa dibisyon, ay nakapa­norpresa sa second seed na si Kaydee de Jesus ga­mit ang 21-8, 21-10, ta­gumpay. 

Ang posibleng ikalawang titulo ni Lim sa apat na araw na torneo na inorganisa ng Philippine Badminton Association (PBA) ay sa U-17 nang matalo si­ya kay Kristelle Dawn Saslatan, 21-14, 21-14.  

Show comments