MANILA, Philippines - Pinangatawanan nina Kenneth Monterubio at Gerard Sibayan ang pagiging top two seeds sa boys singles Under 17 nang talunin nila ang mga nakaharap sa pagbubukas ng Ming Ramos-Victor National Open and Youth Badminton Championships na nagbukas kahapon sa Club 650 Badminton Center sa Libis, Quezon City.
Tinalo ni Monterubio si Diego Libiran, 21-9, 21-7, habang si Sibayan ay nanaig kay Jesschard Piol, 21-12, 21-14, upang makaabante sa third round sa kanilang dibisyon.
Unang upset naman ang kinuha ni Lee Sabanal nang kalusin si fifth sed John Calbario, 1-12, 22-20, sa kompetisyong inorganisa ng Philippine Badmindon Association (PBA).
Bumawi naman si Piol nang manalo ito kay Roval Roasa, 21-5, 21-13, habang si Libiran ay umiskor ng 21-0, 21-0, shutout panalo laban kay Kevin Ponciano sa Under-19 division.
Si Mikaela Aquino ay nanalo kay Alex Sibal, 21-6, 21-17, sa girls U-15 upang umabante sa second round laban sa pambato ng dibisyon na si Cassandra Lim.
Nanalo rin si Faith De Vera kay Andee Pamintuan, 21-16, 21-16.